Add parallel Print Page Options

18 At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro,[a] at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya,[b] at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.[c] 19 Ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan[d] sa kaharian ng Dios.[e] Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.” 20 Pagkatapos nito, sinabihan ni Jesus ang mga tagasunod niya na huwag nilang ipaalam kahit kanino na siya ang Cristo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:18 Pedro: Ang ibig sabihin, bato.
  2. 16:18 iglesya: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  3. 16:18 kapangyarihan ng kamatayan: sa literal, pintuan ng Hades.
  4. 16:19 kapangyarihan: sa literal, mga susi.
  5. 16:19 Dios: sa literal, langit.